SerVICEyo Caravan expanded access to health and livelihood services in Barangay Malinta (May 29, 2026)
Nagsagawa ang Tanggapan ng Bise Gobernador Hon. JM Carait III ng SerVICEyo Caravan Program nitong ika-29 ng Mayo 2026 (Biyernes) sa Barangay Malinta Covered Court, katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon. Inilapit ng programa ang mga mamamayan sa iba’t ibang serbisyong pangkalusugan at pangkabuhayan kabilang ang insurance benefit mula sa Sunlife at ang PuroKalusugan Program na naghatid ng mga serbisyo at information campaign ukol sa non-communicable diseases gaya ng diabetes at hypertension, immunization, WASH o Water, Sanitation and Hygiene, maternal and child care, mental health, road safety, at cervical at breast cancer awareness. Naging bahagi rin ng aktibidad ang pagsusulong ng coastal climate adaptation bilang paghahanda at pagtugon ng komunidad sa epekto ng climate change.
Naging matagumpay ang programa sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t ibang sektor at organisasyon sa pangunguna ng Tanggapan ng Bise Gobernador Hon. JM Carait katuwang sina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, Punong Barangay Jesus H. De Una, Jr. ng Barangay Malinta, Tribs Jun Domingo bilang President ng Alpha Phi Omega Scouts Royale Brotherhood (APO SRB) Global Philippines, Mr. Rolly Atienza, at Prudencio R. Bautista, Admin ng Isang Bansa Pilipino (IBP), iba pang mga miyembro, kawani ng pamahalaan at kawani ng barangay. Tampok din sa aktibidad ang Community Health and Wellness Program ng APO SRB at Barangay Malinta na higit pang pinalawak ang serbisyong pangkalusugan at napalakas ang kamalayan sa kahalagahan ng kalusugan, kaligtasan, at pangangalaga sa kapaligiran para sa kapakinabangan ng bawat mamamayang Los Bañense.
via CJSA/PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
