Multi-Agency School Inspection reinforced safe and prepared learning environments in Los Baños (May 28, 2026)
Kasabay ng patuloy na paghahanda para sa pagbubukas ng klase, maingat na tiniyak ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang kaayusan at seguridad ng mga pampublikong paaralan sa bayan sa isinagawang inspeksyon nitong ika-28 ng Mayo 2026 (Huwebes). Sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sinuri ang kalagayan ng Los Baños Bayog Senior High School, Bayog Elementary School, Paciano Rizal Elementary School, Maahas Elementary School, Los Baños Integrated School (LBIS), at Tuntungin Putho-Integrated National High School.
Naging posible ito sa pakikipag-unayan sa mga opisyal at kawani ng mga paaralan kabilang sina Mr. Geraldo Andal ng Bayog Senior High School; Dr. Marvin Umali, Principal ng Bayog Elementary School; Mr. Welner Gozo, Ms. Vilma Presenta, at Ms. Lucy Daunge ng Paciano Rizal Elementary School; Principal IV Ms. Sylvia M. Encabo, T3-BE Coordinator Ms. Ira Lanzo at AOII Mr. Bejourn Ciceron ng Maahas Elementary School; at Principal II and Chairperson Ms. Mercy Capistrano at ng Guidance Designated and Vice Chairperson Mr. Ariel Perez ng Tuntungin Putho-Integrated National High School. Nagkaroon din ng pagkakataon si Mayor Nocon na makadaupang-palad ang ilan sa mga mag-aaral na kalahok sa ARAL Program Remedial Class bilang pagpapakita ng patuloy na suporta sa pagpapahusay ng kalidad ng edukasyon at pagkatuto ng mga kabataan sa Los Baños.
Katuwang ni Mayor Nocon sa isinagawang inspeksyon sina Municipal Engineer Ricky Estopace at Engr. Jimhill Maligalig; mga kinatawan mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) na sina SFO2 Jefferson Samson at FO1 John Maverick Sikat; mga opisyal ng Philippine National Police–Los Baños (PNP-LB) na sina PLTCOL Alexy Sonido, PCMS Margarito Malayo, PCPL Roy Peria, PAT Joannielyn Villanueva; PAT Francis Gerard Oliveros, at PCPL Jhonel Geniza. Kasama rin sina OPCEN Head Dr. Milbert B. Aguas at Mr. Nathan Antonio ng Operations Center (OPCEN), Kapitan Francisco Torres Jr. ng Tuntungin-Putho at iba pang mga opisyal ng mga barangay. Nakiisa rin ang mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Public Order and Safety Office (POSO), at BPSO Tanod ng mga barangay na sakop upang tiyakin ang maagap na pagtugon at epektibong koordinasyon para sa kaligtasan at kahandaan ng mga paaralan sa Los Baños.
#LosBañosBayogSeniorHighSchool
#TuntunginPuthoIntegratedNationalHighSchool
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
