Local Government and Safety Agencies continued Public School inspections to ensure safe and prepared learning environments in Los Baños (May 26, 2026)
Nagpatuloy ang malawakang inspeksyon sa mga pampublikong paaralan sa Los Baños nitong ika-26 ng Mayo 2026 (Lunes) bilang bahagi ng pagsusulong ng ligtas at maayos na kapaligiran para sa edukasyon. Pinangunahan pa rin ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang pagbisita sa apat pang paaralan kabilang ang Los Baños Senior High School, San Antonio Elementary School, Los Baños National High School, at Lopez Elementary School upang tiyakin na ligtas, maayos, at handa ang mga pasilidad para sa kapakanan ng mga mag-aaral, guro, at kawani ng paaralan.
Kasama sa inspeksyon sina Municipal Engineer Ricky Estopace at Engr. Bernie Ventura, katuwang ang mga kinatawan mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) na sina FO1 Reymarc Marcelo at FO1 John Mark Faustino. Nakiisa rin sa assessment ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na sina PLTCOL Alexy Sonido, PCMS Margarito Malayo, PCPL Roy Peria, at PAT Joannielyn Villanueva; gayundin si Nathan Antonio ng Operations Center (OPCEN), kasama ang mga kawani ng Public Order and Safety Office (POSO), General Services Office (GSO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at mga BPSO Tanod ng mga barangay na sakop ng inspeksyon. Bahagi ito ng adhikain ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños na mapanatili ang mga paaralang handa sa anumang sitwasyon at makapagbigay ng ligtas, maayos, at episyenteng kapaligiran para sa patuloy na pagkatuto ng bawat kabataang Los Bañense.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
