MENU
Philippine Standard Time:
Multi-Sectoral school inspection highlighted commitment to campus safety in Los Baños (May 26, 2026)
Published date: May 26, 2026
Multi-Sectoral school inspection highlighted commitment to campus safety in Los Baños (May 26, 2026)

Masusing isinagawa nitong Mayo 26, 2026 (Martes) ang inspeksyon sa mga pampublikong paaralan sa Los Baños kabilang ang Lalakay Elementary School, Los Baños National High School–Poblacion, at Los Baños Central Elementary School bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng ligtas, maayos, at handang kapaligiran para sa pag-aaral ng mga kabataan sa bayan. Pinangunahan ang aktibidad ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, kasama sina Municipal Engineer Engr. Ricky Estopace at Engr. Bernie Ventura, katuwang ang mga kinatawan mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) na sina FO1 Reymarc Marcelo at FO1 John Mark Faustino; mga opisyal ng Philippine National Police-Los Baños (PNP-LB) na sina PLTCOL Alexy Sonido, PCMS Margarito Malayo, PCPL Roy Peria, at PAT Joannielyn Villanueva; si Mr. Nathan Antonio ng Operations Center (OPCEN); gayundin ang Public Order and Safety Office (POSO) Team at mga BPSO Tanod ng mga barangay na sakop ng inspeksyon.

Naging katuwang din sa isinagawang pag-iinspeksyon ang mga school officials at mga guro upang masusing matukoy ang mga pasilidad at lugar na nangangailangan ng agarang aksyon at karagdagang pagpapabuti. Sa Lalakay Senior High School, pinangunahan ito ni School Head/Principal Ms. Marian Fermin kasama sina Ms. Julieta Cantuba, Guidance Designated, at Ms. Maria Joy Manansala. Samantala, sa Los Baños Poblacion High School sa Brgy. Timugan ay nakiisa sina Ms. Anicia P. Lapie, Head Teacher III; Ms. Rosanna T. Aspiras, Head Teacher I; Ms. Alma P. Tubal, ADAS II; at Ms. Baby Glenn D. Closa, Teacher. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan at mga institusyong pang-edukasyon, patuloy na pinagtitibay ang mga hakbang tungo sa mas ligtas, episyente, at mas maayos na kapaligiran sa pagkatuto para sa bawat mag-aaral na Los Bañense.

#PublicSchoolsInspection

#LalakayElementarySchool

#LosBañosNationalHighSchoolPoblacion

#LosBañosCentralElementarySchool

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 208 Total Views

Related:


;