MENU
Philippine Standard Time:
MWQMA Council convened to advance water quality management initiatives in Los Baños (May 26, 2026)
Published date: May 26, 2026
MWQMA Council convened to advance water quality management initiatives in Los Baños (May 26, 2026)

Nagsagawa ng 2nd Quarter Meeting ang Municipal Water Quality Management Area (MWQMA) Council ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon nitong Mayo 26, 2026 upang talakayin ang mga usapin, programa, at hakbangin na may kaugnayan sa pangangalaga at pagpapabuti ng kalidad ng tubig sa bayan.

Isa sa mga pangunahing tinalakay sa pagpupulong ang kasalukuyang Water Quality Management Status, kung saan nagsagawa ng reorientation at masusing pagpapaliwanag ang mga kinatawan ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) na sina Ms. Giselle Morales, Mr. Rive Ryk Col-long, at Mr. Cullen Diaz. Ibinahagi nila ang mahahalagang impormasyon hinggil sa mandato, mga polisiya, at mga umiiral na programa ng Water Quality Management Area, gayundin ang mga kasalukuyang kalagayan at hamon na kinahaharap sa pagpapanatili ng malinis at ligtas na mga katubigan. Nagkaroon din ng talakayan ukol sa mga isyung pangkapaligiran na may kaugnayan sa kalidad ng tubig, mga umiiral at nakaplanong proyekto, at mga posibleng hakbang na maaaring isagawa ng konseho upang higit pang mapalakas ang koordinasyon at implementasyon ng mga programang nakatuon sa pangangalaga ng kapaligiran at likas-yaman ng Los Baños.

Dumalo sa pagpupulong ang mga miyembro ng konseho na sina Ms. Cherryl Gonzales, Municipal Agriculturist; Mr. John Marvin Canaria, PIO Head; Ms. Sitti Fatima Traje, MENRO Focal Person; Ms. Fides Marciana Z. Tambalo, Director ng UPLB Biotech, kasama sina Dr. Armi Creencia at Dr. Jeffrey Tamayo; Mr. Renel Montecillo ng Laguna Water District; Ms. Ariana Italia Patricio ng Laguna Water Aquatech; at Ms. Nenita Lapitan, CSO Representative ng KBKL. Kabilang din sa mga dumalo ang kinatawan ni Kon. Myla Alinsunurin, Co-Chair ng MWQMA at Chairperson ng Committee on Environment; kinatawan nina Hon. Gaudencio Macatangay, Liga ng mga Barangay President; Engr. Oliver Manaig, Municipal Assessor; Engr. Ricky Estopace, Municipal Engineer; Ms. Twila Torres, MPDC; Ms. Cynthia Quintanda, LDRRMO III; Ms. Edmarie Calungsod, Head ng Tourism Office; Dr. Alvin Isidoro, Municipal Health Officer; at Dr. Lerma S.J. Maldia, Director ng UPLB MCME.

Sa pamamagitan ng regular na pagpupulong ng MWQMA Council, patuloy na pinagtitibay ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños at ng mga katuwang nitong ahensya, akademya, pribadong sektor, at civil society organizations ang kanilang sama-samang adhikain na mapanatili ang maayos na kalidad ng tubig, mapangalagaan ang kalikasan, at maisulong ang pangmatagalang kaunlaran at kalusugan ng mamamayan para sa susunod na mga henerasyon.

#MWQMA

#WaterQualityManagement

#EnvironmentalProtection

#SustainableLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 227 Total Views

Related:


;