Ms. Gladys L. Peñalver took oath as new Barangay Kagawad of Timugan (May 26, 2026)
Pinangunahan ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang oathtaking ceremony ni Ms. Gladys L. Peñalver bilang bagong Kagawad ng Barangay Timugan, na bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng mahusay at responsableng pamamahala sa lokal na antas. Naging saksi sa seremonya si DILG MLGOO Ms. Michiko R. Escalante; Punong Barangay Renato Samson kasama ang ilang kinatawan ng barangay at mga kamag-anak ng bagong opisyal.
Hinikayat ni Mayor Nocon si Kagawad Peñalver na gampanan nang buong integridad at dedikasyon ang kaniyang tungkulin para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Barangay Timugan. Patuloy namang kaisa ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pagsusulong ng mabuting pamamahala at pagpapalakas ng mga lider na maghahatid ng maayos at makabuluhang serbisyo sa bayan ng Los Baños.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
