MENU
Philippine Standard Time:
Mayor Nocon and Vice Mayor Alipon conducted community visit in Libis, Lalakay (May 27, 2026)
Published date: May 27, 2026
Mayor Nocon and Vice Mayor Alipon conducted community visit in Libis, Lalakay (May 27, 2026)

Nagkaroon ng makabuluhang kamustahan sa mga residente ng Libis, Lalakay sina Hon. Mayor Neil Andrew Nocon at Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon nitong ika-27 ng Mayo 2026 (Martes), bilang pagpapatuloy ng kanilang hangaring mailapit ang pamahalaan sa puso ng bawat komunidad. Sa pakikipagtulungan ng mga community leader na sina Ms. Josie Mazabejon at Mr. Danilo Orbe, naging mahalagang pagkakataon ito upang personal na marinig ang saloobin, pangangailangan, at mga mungkahi ng mga mamamayan.

Patunay ang community visit na nananatiling pangunahing prayoridad ng lokal na pamahalaan ang kapakanan at boses ng bawat residente. Sa patuloy na serbisyong diretso sa tao, mas napapalalim ang tiwala, kooperasyon, at pagkakaisang nagsisilbing pundasyon ng isang umaabanteng bayan.

#CommunityVisit

#HouseToHouse

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 219 Total Views

Related:


;