MENU
Philippine Standard Time:
Mayor Nocon reinforced support for women and community development with visit at UPLB AMTEC Riverside (May 27, 2026)
Published date: May 27, 2026
Mayor Nocon reinforced support for women and community development with visit at UPLB AMTEC Riverside (May 27, 2026)

Personal na bumisita si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon nitong ika-27 ng Mayo 2026 (Martes) sa AMTEC Riverside, University of the Philippines Los Baños (UPLB) upang makadaupang-palad ang Samahan ng Kababaihan sa pangunguna ni Community Leader Ms. Irene Espinosa. Sa isinagawang community visit, pinakinggan ni Hon. Mayor Nocon ang kalagayan, saloobin, at mga pangangailangan ng mga residente bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng isang pamahalaang mas malapit, mas bukas, at mas may malasakit sa mamamayan.

Sa kanyang pakikipag-ugnayan, muling pinaigting ni Mayor Nocon ang hangaring mailapit ang serbisyong diretso sa tao para sa bawat sektor, lalo na sa mga kababaihang patuloy na nagsisilbing haligi ng pagkakaisa at pag-unlad ng pamayanan. Patuloy na isinusulong ang Pamahalaang nakikinig, kumikilos, at tunay na nagbibigay-halaga sa boses ng bawat mamamayang Los Bañense.

#CommunityVisit

#HouseToHouse

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 242 Total Views

Related:


;