MENU
Philippine Standard Time:
ORDINANSANG PAGPAPALIT NG PANGALAN NG LOS BAÑOS THERAPEUTIC MASSAGE CENTER AND HEALTH SPA BILANG “CAESAR P. PEREZ MEMORIAL THERAPEUTIC MASSAGE CENTER AND HEALTH SPA ” APRUBADO NA NI MAYOR "KUYA TONY" KALAW
Published date: Jan 28, 2021
ORDINANSANG PAGPAPALIT NG PANGALAN NG LOS BAÑOS THERAPEUTIC MASSAGE CENTER AND HEALTH SPA BILANG “CAESAR P. PEREZ MEMORIAL THERAPEUTIC MASSAGE CENTER AND HEALTH SPA ” APRUBADO NA NI MAYOR "KUYA TONY" KALAW

Opisyal na ring tatawagin bilang "Caesar P. Perez Memorial Therapeutic Massage Center and Health Spa” ang Los Baños Therapeutic Massage Center and Health Spa batay sa ordinansang inaprubahan ni Mayor Antonio "Kuya Tony" Kalaw.

Ayon sa Kautusan Bilang 2021-2096, ilalagay ang signage kung saan nakalagay ang pangalan ng dating Ama ng bayan sa harapan ng gusali kasama ang isang marker bilang pagkilala sa mga nagawa ng dating Alkalde para sa bayan ng Los Baños at mga mamamayan nito.

Ang Los Baños Therapeutic Massage Center and Health Spa ay pag-aari at pinamamahalaan ng pamahalaang bayan ng Los Baños. Handog nito ang iba't-ibang serbisyo na tiyak na magpapaginhawa sa inyong pakiramdam tulad ng pagbababad sa mainit na pool, body massage, ventosa at iba pa. Isa si dating Punumbayan Caesar Perez sa palagiang pumupunta at tumatangkilik sa mga serbisyo ng Los Baños Therapeutic Massage Center and Health Spa.

#SerbisyongTotooDiretsoSaTao

#InHonorOfLateMayorCaesarPerez

 310 Total Views

Related: