MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños Advanced Financial Security Programs for JO and COS Personnel Through Pag-IBIG Partnership (May 26, 2026)
Published date: May 26, 2026
Los Baños Advanced Financial Security Programs for JO and COS Personnel Through Pag-IBIG Partnership (May 26, 2026)

Matagumpay na naisakatuparan ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños at ng Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund) nitong Mayo 26, 2026 sa Municipal Multi-Purpose Hall. Ang kasunduang ito ay naglalayong palawakin ang saklaw ng social protection at financial security para sa mga Job Order (JO) at Contract of Service (COS) workers ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng kanilang pagiging miyembro at paghuhulog sa Pag-IBIG Fund alinsunod sa mga umiiral na batas at patakaran.

Sa ilalim ng nasabing kasunduan, magkakaroon ng mas malawak na pagkakataon ang mga JO at COS personnel na mapakinabangan ang mga programa at benepisyong iniaalok ng Pag-IBIG Fund, kabilang ang savings program, housing loan, multi-purpose loan, calamity loan, at iba pang serbisyong makatutulong sa kanilang pangmatagalang pinansyal na katatagan at kapakanan. Isa itong mahalagang hakbang ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños upang higit pang mapangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawang patuloy na nagbibigay ng mahalagang serbisyo sa mamamayan.

Pinangunahan ang ceremonial signing ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, kasama si Chief of Staff Mr. Anatoly Guinto at Ms. Miraflor Tado, MGDH I (HRMO). Dumalo rin ang mga kinatawan ng Pag-IBIG Fund na sina Ms. Flor Glenda R. Cahigas, Branch Manager ng Calamba Branch; Ms. Mariza L. Santingyaman, Department Manager III, Area Head, Southern Tagalog Area at Mr. Reden C. Serrano, Marketing Head, Calamba Branch na nagpahayag ng kanilang suporta sa pagpapatupad ng programa para sa mga manggagawa ng lokal na pamahalaan.

Patunay ang kasunduang ito sa patuloy na pagsusulong ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ng mga programang nagbibigay ng seguridad, oportunidad, at mas magandang kinabukasan para sa mga kawani nito. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at Pag-IBIG Fund, inaasahang mas marami pang JO at COS workers ang magkakaroon ng akses sa mga benepisyong makatutulong sa kanilang pag-unlad at sa kapakanan ng kanilang mga pamilya.

#PagIBIGFund

#MOASigning

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 209 Total Views

Related:


;