Coordination Meeting between MGLB and UPLB-OASD advanced planning efforts for STRASUC 2026 (May 26, 2026)
Nagsagawa ng coordination meeting nitong Mayo 26, 2026 (Martes) sa Mayor’s Office ang mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños at University of the Philippines Los Baños (UPLB) kaugnay sa paghahanda para sa STRASUC 2026 (Southern Tagalog Regional Association of State Universities and Colleges 2026). Tinalakay sa pagpupulong ang mga plano, preparasyon, at mga kinakailangang hakbang para sa matagumpay na pagsasagawa ng palaro na gaganapin mula Nobyembre 23 hanggang 28, 2026, kung saan magsisilbing host university ang UPLB at host municipality ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños. Pinangunahan ang pagpupulong ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon kasama sina Ms. Revilyn D. Perez, OIC-LYDO; Dr. Milbert B. Aguas, Head ng Operations Center; Ms. Cynthia N. Quintans ng MDRRMO; Ms. Edmarie Z. Calungsod, OIC ng Tourism Office; Ms. Karen Joy B. Coronado, MUDHO Head; Ms. Maine S. Ariola, kinatawan ng PIO; Ms. Patricia T. Tatad, kinatawan ng TRU; Mr. Jojo Francisco, Summit Sports Head; at Mr. Arvin Averion, LYDO/Sports Coordinator.
Aktibong nakipagpulong ang mga opisyal at kinatawan mula sa UPLB Office for Athletics and Sports Development (OASD) na sina Mr. Ronilo Jose D. Flores, Mr. Vir Marilag, Ms. Genevieve C. Fojas, Ms. Benevieve D. Villanueva, Mr. Judiel Elkan Duke Mediavillo, Mr. Kurt Bagus, Mr. Alvin Dolores, at Mr. Percival Balite. Binigyang-diin sa pulong ang kahalagahan ng maayos na koordinasyon, malinaw na pagtatalaga ng mga tungkulin, at sama-samang paghahanda upang matiyak ang matagumpay, ligtas, at organisadong pagdaraos ng STRASUC 2026. Patuloy namang ipinapakita ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang buong suporta at pakikiisa nito sa mga programang nagtataguyod ng sports development, pagkakaisa, at kahusayan ng mga mag-aaral at institusyon sa rehiyon.
#UPLBOfficeForAthleticsAndSportsDevelopment
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
