MENU
Philippine Standard Time:
Barangay officials enhanced planning and governance skills through BDP Workshop in Los Baños (May 21, 2026)
Published date: May 21, 2026
Barangay officials enhanced planning and governance skills through BDP Workshop in Los Baños (May 21, 2026)

Pinalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga barangay sa pagbuo ng mga programang nakabatay sa kanilang pangangailangan sa pamamagitan ng Ikalawang Batch ng Barangay Development Planning Re-Orientation and Workshop na isinagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños nitong Mayo 21, 2026 (Huwebes) sa Lopez Elementary School, Barangay Batong Malake, Los Baños. Sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, dumalo ang mga opisyal at kawani mula sa Barangay Anos, Batong Malake, Baybayin, Maahas, Mayondon, Putho-Tuntungin, at San Antonio upang higit na paigtingin ang sistematiko at epektibong barangay development planning. Nagbigay suporta rin ang DILG Provincial Director Mr. Jay Beltran.

Tinalakay sa workshop ang iba’t ibang bahagi ng Barangay Development Plan (BDP) kabilang ang gender and development mainstreaming, situational analysis, problem identification, prioritization of programs, sectoral planning workshop, formulation ng Barangay Development Investment Program (BDIP) at monitoring and evaluation. Tampok din sa programa ang Ridge to Reef presentation para sa pangangalaga ng kalikasan at integradong pag-unlad ng bayan. Mula sa pagpaplano hanggang sa pagpapatupad nito, hinuhubog ang mas handa, mas matatag, at mas umaabanteng mga barangay ng Los Baños.

#BarangayDevelopmentPlanningReOrientationAndWorkshop

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 470 Total Views

Related:


;