Free Laboratory Test Registration brought essential health services closer to Los Bañenses (May 20, 2026)
Buong galak na nakiisa si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa isinagawang “Los Baños Registration para sa Libreng Laboratory Test” na bahagi ng programang pangkalusugan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa pangunguna ni Gob. Sol Aragones nitong Mayo 20, 2026 (Miyerkules) sa Ceasar P. Perez Memorial Stadium and Evacuation Center. Hangad ng programa na mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan, lalo na ang mga nangangailangan, na makapagparehistro para sa libreng laboratory tests bilang bahagi ng pagpapalawak ng serbisyong pangkalusugan sa lalawigan.
Sa kanyang pagdalo, ipinahayag ni Mayor Nocon ang buong suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang naglalapit ang serbisyong medikal sa mamamayan. Naging matagumpay ang aktibidad sa tulong ng koordinasyon ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, kung saan maraming residente ang nakinabang at nagpahayag ng pasasalamat sa patuloy na paghahatid ng mga programang may malasakit sa kalusugan at kapakanan ng bawat Lagunense.
#PamahalaangPanlalawiganNgLaguna
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
