MENU
Philippine Standard Time:
Free Vegetable and Fish Program led by Governor Sol Aragones highlighted compassionate public service in Los Baños (May 22, 2026)
Published date: May 22, 2026
Free Vegetable and Fish Program led by Governor Sol Aragones highlighted compassionate public service in Los Baños (May 22, 2026)

Naghatid ng tulong at malasakit ang programang pamamahagi ng libreng gulay at isda ni Gob. Sol Aragones ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, nitong Mayo 22, 2026 (Biyernes) sa Los Baños Senior High School, Brgy. San Antonio. Dinaluhan at sinuportahan ito nila Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, Punong Brgy. Relly Palis ng San Antonio, at mga Provincial Board Members ng Ikalawang Distrito ng Laguna na sina Hon. Tutti Caringal at Hon. Ninoy Bagnes, katuwang ang iba pang mga lingkod-bayan.

Muling napatunayan sa programa ang kahalagahan ng pagkakaisa at sama-samang pagkilos upang mas mapalapit ang serbisyo para sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga mamamayan. Higit sa simpleng pamamahagi, naging pagkalinga rin ito sa mga lokal na magsasaka at mangingisda, at naging simbolo ng patuloy na pagtutulungan at malasakit upang maihatid ang serbisyong may aksyon at dedikasyon para sa bawat pamilyang Los Bañense.

#LibrengGulayAtIsda

#GovernorSolAragones

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 236 Total Views

Related:


;