Los Baños Sunset at the Park feat. open mic performances (May 22, 2026)
×
Muling pinasigla ng musika at ligaya ang General Paciano Rizal Park nitong ika-22 ng Mayo 2026 (Biyernes) sa Sunset at the Park, handog ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon.
Sa tampok na open mic performances, napukaw ang damdamin ng bawat pamilya, barkada, bisita at magkapareha. Mula kwentuhan hanggang kantahan, nabuo ang gabing puno ng matatamis na harana, umaapaw na saya, at di malilimutang mga alaala.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
