Los Baños Sunset at the Park feat. Open Jam with Musicians' Corner and Jarhead (May 23, 2026)
×
Naging makulay na tagpuan ng musika at pahinga ang General Paciano Rizal Park sa Sunset at the Park nitong ika-23 ng Mayo 2026 (Sabado). Sa ilalim ng dapithapon at himig ng live music, nagkaroon ng pagkakataon ang lahat para sa isang gabing puno ng pagpapahalaga sa lokal na talento, masayang pagsasalu-salo, at pinayabong na turismo.
Handog ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, nagbigay sigla sa gabi ang Open Jam tampok ang Musicians’ Corner at Jarhead na naghatid ng mga awiting lalong nagpasaya sa mga dumalo. Patuloy na pinagyayaman ng lokal na pamahalaan ang paghubog ng isang bayang mas malapit sa sining, sa kultura, at sa isa't isa.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
