MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños expanded “Serbisyong Diretso sa Tao” through community outreach initiative (May 24, 2026)
Published date: May 24, 2026
Los Baños expanded “Serbisyong Diretso sa Tao” through community outreach initiative (May 24, 2026)

Mas pinalawak ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang adhikaing “Serbisyong Diretso sa Tao” sa pamamagitan ng isinagawang community visit at house-to-house ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon nitong ika-24 ng Mayo 2026 (Linggo) sa Villegas Compound, Brgy. Batong Malake, sa pakikipag-ugnayan kay Mr. Dante De Gala, Community Leader ng GT Tau Gamma Villegas Chapter.

Sa naturang pagbisita, personal na nakipagkumustahan si Mayor Nocon sa mga residente upang higit na maunawaan ang kanilang kalagayan at mapakinggan ang kanilang mga saloobin at pangangailangan. Sa bawat tahanang napuntahan at bawat residenteng nakausap, muling naipakita ang isang pamahalaang bukas makinig, handang umalalay, at tunay na umaagapay sa mamamayan sa panahon ng mga hamon.

#CommunityVisit

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 210 Total Views

Related:


;