Mayor Nocon continued grassroots dialogue through community visit with Trolley Riders in San Antonio (May 24, 2026)
Bumisita si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon nitong ika-24 ng Mayo 2026 (Linggo) sa Santo Boys Trolley Boys Riders San Antonio sa pamumuno ni Pangulo Ruel Ugalin bilang bahagi ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa iba’t ibang sektor ng bayan.
Personal na nakipagdayalogo at nakinig si Mayor Nocon sa kalagayan, mga karanasan, at mga hamong kinahaharap ng mga nagt-trolley sa kanilang araw-araw na pamamasada at paghahanapbuhay. Sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan, nagkaroon ng pagkakataon ang mga miyembro na maiparating ang kanilang mga saloobin at mga usaping mahalaga sa kanilang sektor.
Sa direktang paglapit at pakikinig sa mamamayan, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang isang serbisyong may malasakit, pagkilala, at tunay na pakikiisa sa bawat sektor ng lipunan.
#CommunityVisit
#HouseToHouse
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
