MENU
Philippine Standard Time:
Weekly Flag Raising Ceremony (Last Monday of May 2026)
Published date: May 25, 2026
Weekly Flag Raising Ceremony (Last Monday of May 2026)

Bilang bahagi ng lingguhang pagtitipon ng mga kawani at opisyal ng pamahalaan, pinangunahan ng Municipal Economic Enterprise Slaughterhouse ang huling Flag Raising Ceremony para sa buwan ng Mayo 2026 ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon. Sa isinagawang ulat ng tanggapan, ibinahagi ni Slaughterhouse Master Ricky M. Flores ang mahahalagang katuparan, mga patuloy na programa, at mga serbisyong isinusulong ng kanilang opisina para sa kapakanan ng mamamayan.

Naghatid naman ng paunang paanyaya si Municipal Health Officer Dr. Alvin I. Isidoro kaugnay ng isasagawang Blood Donation Activity sa pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross sa darating na Hunyo 12, 2026 (Biyernes). Hinikayat niya ang bawat departamento na aktibong makiisa at magtalaga ng mga kinatawan bilang suporta sa programa. Ibinahagi rin ni Dr. Isidoro na pansamantala nang bukas tuwing Biyernes ang LB Wellness and HIV Treatment Hub sa Rural Health Unit 1 upang higit na mapalawak ang serbisyong pangkalusugan para sa mga Los Bañense.

Sa kanyang mensahe, nagpahayag si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ng pagbati at pasasalamat sa lahat ng opisyal at kawani na dumalo sa seremonya. Kinilala rin niya ang Municipal Accounting Office sa pakikipagtulungan nito sa Commission on Audit at iba’t ibang Departamento matapos nitong makatanggap ng parangal bilang pagkilala sa episyente at maayos na paghahatid ng serbisyo publiko. Hinikayat din ni Mayor Nocon ang bawat tanggapan na manatiling kaisa sa mga programa ng pamahalaan at magpatuloy sa paghahatid ng serbisyong may malasakit at tunay na pakinabang para sa bawat mamamayan.

Dinaluhan ang seremonya ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon kasama sina Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, at Hon. Jay A. Rolusta; mga Department at Unit Heads sa pamumuno ni Municipal Administrator Virgilio Tiongson at Chief of Staff Pong Guinto; mga kinatawan ng DILG Family kabilang ang PNP, BFP, at BJMP; mga kinatawan ng BSP at GSP; iba pang kawani ng pamahalaan; at mga benepisyaryo ng DOLE SPES (Special Program for Employment of Students). Ipinamalas ng pagtitipon ang sama-samang paninindigan ng lokal na pamahalaan na higit pang paigtingin ang tapat, makatao, at Serbisyong Diretso sa Tao para sa bayan ng Los Baños.

#WeeklyFlagRaisingCeremony

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 404 Total Views

Related:


;