PDEA led Balay Silangan Operationalization Orientation for Los Baños stakeholders (May 20, 2026)
Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga, masusing isinagawa ang Orientation on the Operationalization of the Balay Silangan Reformation Program nitong Mayo 20, 2026 (Miyerkules) sa 2nd Floor, Municipal Audio-Visual Room ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños. Pinangunahan ang oryentasyon ni Investigation Agent III Jennifer Quintana ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office IV-A sa ilalim ng Preventive Education and Community Involvement (PECI), na naglalayong pagtibayin ang koordinasyon ng mga lokal na tanggapan, linawin ang mga alituntunin sa implementasyon, at tukuyin ang mahahalagang tungkulin ng bawat departamento para sa epektibong repormasyon ng mga drug personalities. Aktibong nakiisa sa pagtitipon si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon kasama ang mga pangunahing katuwang ng lokal na pamahalaan kabilang sina Ms. Shirley D. Andrade, ADAO Head/MADAC Focal Person; Dr. Alvin A. Isidoro, Municipal Health Officer; Ms. Cheryll L. Gonzales, Municipal Agriculturist; Mr. John Marvin S. Canaria, Public Information Office Head; Engr. Ricky R. Estopace, Municipal Engineer; Engr. Raymond Joseph B. Paraiso, GSO Head; at Mr. Mark Anthony L. Antioquia, MO-People Center Head. Dumalo rin ang mga kinatawan nina Ms. Twila T. Torres, MPDC at MADAC Head Secretariat; PLCOL Alexy E. Sonido, PNP Chief of Police; Ms. Gliceria A. Trinidad, PESO Manager; Ms. Madeleine M. Alforja, Municipal Nutrition Officer; Mr. Edilco Abad, POSO Head; Ms. Hanna Erika R. Laviña, Municipal Social Welfare and Development Officer; at Ms. Michiko R. Escalante, DILG-MLGOO.
Tinalakay sa programa ang mahahalagang hakbang at paghahanda para sa nalalapit na pagpapatakbo ng Balay Silangan Reformation Program sa bayan ng Los Baños. Kabilang sa mga naging tampok ang PDEA Briefing hinggil sa standard operational procedures at mga umiiral na protocol, pagsasalin at pag-uugnay ng mga tungkulin ng bawat lokal na tanggapan alinsunod sa mandato ng PDEA, gayundin ang paghahanda ng mga administrative requirements para sa inaasahang pagbubukas ng pasilidad. Ang pakikilahok ng iba’t ibang tanggapan at sektor ay nagpapatibay ng pangako ng Pamahalaang itaguyod ang isang makatao, organisado, at mas inklusibong programa para sa isang ligtas, maayos, at drug-free na pamayanan.
#BalaySilanganReformationProgram
#OrientationOnTheOperationalizationOfBSRF
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
