MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños strengthened grassroots governance through Barangay Development Planning Workshop Batch 1 (May 20, 2026)
Published date: May 20, 2026
Los Baños strengthened grassroots governance through Barangay Development Planning Workshop Batch 1 (May 20, 2026)

Isinulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang mas matatag at mas sistematikong pagpaplano para sa mga barangay sa pamamagitan ng Unang Batch ng Barangay Development Planning Re-Orientation and Workshop nitong Mayo 20, 2026 (Miyerkules) sa Lopez Elementary School, Barangay Batong Malake, Los Baños. Sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, pinahalagahan sa programa ang maayos na barangay development planning kasama ang mga opisyal at kawani ng pitong (7) barangay ng Los Baños kabilang ang Barangay Bagong Silang, Lalakay, Timugan, Malinta, Bayog, Bambang at Tadlac bilang pundasyon ng epektibong pamamahala, pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan, at pagsusulong ng sustenableng kaunlaran sa bayan.

Tinalakay sa workshop ang mahahalagang paksa kaugnay ng Barangay Development Plan (BDP) kabilang ang Gender and Development Mainstreaming na pinangunahan ni Karen L. Mercado, GAD Focal Person; organisasyon ng BDC-TWG, situational analysis at problem identification na tinalakay ni Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) Michiko R. Escalante, EnP; gayundin ang situational analysis workshop at review of vision-mission and determination of vision-reality gaps. Samantala, pinangunahan naman ni Ms. Lou Andie Reyes, EnP ng Municipal Planning and Development Office (MPDO) ang mga sesyon hinggil sa pagtatakda ng goals and objectives, identification and prioritization of programs, projects and activities, sectoral planning workshop, at formulation of the Barangay Development Investment Program (BDIP) at BDP monitoring and evaluation. Naging bahagi rin ng programa ang “Ridge to Reef” presentation ng University of the Philippines Los Baños (UPLB), na ibinahagi ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan at integradong pag-unlad ng bayan. 

Higit pa sa isang re-orientation workshop, nagsilbi itong pagkakataon upang mapalalim ang kaalaman at pagtutulungan ng mga kalahok tungo sa mas organisado, matatag, at handang mga barangay sa hinaharap.

#BarangayDevelopmentPlanningReOrientationAndWorkshop

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 518 Total Views

Related:


;