Top News Asia Magazine recognized Hon. Mayor Neil Andrew Nocon as one of the “Nation Builders Leading Men”(May 19, 2026)
Isang karangalan para sa bayan ng Los Baños ang natatanging pagkilala kay Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon bilang isa sa mga “Nation Builders Leading Men” na iginawad ng Top News Asia Magazine nitong Mayo 19, 2026 (Martes) sa Chairman’s Lounge ng Okada Manila. Ang prestihiyosong parangal ay pagkilala sa kaniyang serbisyong diretso sa tao at matibay na paninindigan sa pagsusulong ng mga programang nakatuon sa pagpapaunlad ng lokal na pamahalaan tungo sa isang mas ligtas at mas umabanteng bayan.
Dumalo sa prestihiyosong pagtitipon ang mga kilalang personalidad mula sa larangan ng pambansang seguridad, mahusay na pamamahala, at serbisyong publiko. Ang naturang pagkilala ay patunay sa matatag na integridad, dedikasyon, at taos-pusong paglilingkod ni Mayor Nocon na hindi lamang nagbibigay-inspirasyon sa mamamayan ng Los Baños kundi patuloy ding nagdadala ng karangalan at pagkilala sa bayan.
#NationBuildersLeadingMen
#TopNewsAsiaMagazine
#MayorNeilAndrewNocon
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
