MENU
Philippine Standard Time:
The 2nd Quarter Manila Bay Task Force Meeting (MBTF) tackled key environmental compliance and waste management concerns (May 19, 2026)
Published date: May 19, 2026
The 2nd Quarter Manila Bay Task Force Meeting (MBTF) tackled key environmental compliance and waste management concerns (May 19, 2026)

Naisagawa ang 2nd Quarter Meeting ng Manila Bay Task Force (MBTF) nitong Mayo 19, 2026 (Martes) sa Municipal Conference Room ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon at ng Municipal Environment and Natural Resources Office bilang Secretariat. Dumalo rito ang mga miyembro ng komite upang talakayin ang mga programa at hakbang ng lokal na pamahalaan para sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapanatili ng kalinisan sa bayan. Isa sa mga pangunahing naging paksa ng pagpupulong ang resulta ng 2025 LGU Compliance Assessment Audit. Tinalakay ang mga natukoy na rekomendasyon at mga kinakailangang aksyon upang higit pang mapabuti ang pagpapatupad ng mga programa kaugnay ng solid waste management; liquid waste management at ISFs kabilang ang wastong pagtatapon ng basura at pangangalaga sa mga daluyan ng tubig.

Sa pamamagitan ng patuloy na koordinasyon at pagtutulungan ng mga tanggapan, nananatiling nakatuon ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapanatili ang malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran para sa lahat.

#MBTF

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 277 Total Views

Related:


;