Los Baños Sunset at the Park A Night of Classical Music feat. Cap Ensemble (May 17, 2026)
Naging makahulugan at puno ng elegansya ang gabi sa naganap na Sunset at the Park nitong Mayo 17, 2026 sa General Paciano Rizal Park sa pamamagitan ng “A Night of Classical Music” tampok ang kahanga-hangang pagtatanghal ng Cap Ensemble.
Binigyang-buhay ng musika ang parke sa mga natatanging piyesa na inihatid nina Darren Vega (Piano), Leandro Ong (Guitar), Jerico Flores (Violin), at Paul Puncia (Cello), kasama ang tampok na violinist na si Jaen Malacura mula sa Agdao Violin Institute, Inc. ng Davao City. Ang kanilang husay at talento ay nagdulot ng inspirasyon at tunay na nagpatingkad sa gabi ng sining at kultura para sa mga manonood.
Sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, patuloy na itinataguyod ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang mga programang nagpapalawak sa pagpapahalaga sa musika, sining, at kultura habang nagbibigay ng libre at de-kalidad na pagtatanghal para sa komunidad. Sa pamamagitan ng Sunset at the Park, muling naging tagpuan ang General Paciano Rizal Park ng pagkakaisa, inspirasyon, at mga gabing puno ng magagandang alaala.
Related:
-
Most Viewed Article
