MENU
Philippine Standard Time:
Weekly Flag Raising Ceremony (3rd Monday of May 2026)
Published date: May 18, 2026
Weekly Flag Raising Ceremony (3rd Monday of May 2026)

Matagumpay na naisagawa ang lingguhang pagtataas ng watawat ng Pilipinas ngayong ikatlong Lunes ng Mayo 2026 sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon.

Pinangunahan ang programa ng Municipal Economic Enterprise-Market sa pamumuno ni Market Supervisor G. Jonard Pua, kung saan ibinahagi rin ang mga accomplishment at patuloy na programa ng kanilang tanggapan para sa mas maayos at episyenteng serbisyo publiko para sa mga mamamayan ng Los Baños.

Dumalo rin ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Marlo PJ Alipon kasama sina Hon. Aldous Perez, Hon. Rand De Jesus, at Hon. Jay Rolusta. Nakiisa rin ang mga kinatawan mula sa PNP, BJMP, BFP, BSP, mga department at unit heads sa pangunguna ni Municipal Administrator Atty. Virgilio Tiongson, Jr., gayundin ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Neil Andrew Nocon ang kahalagahan ng pagkakaisa, disiplina, at patuloy na pagtutulungan ng bawat tanggapan upang maihatid ang mas mahusay, mabilis, at makataong serbisyo para sa mamamayang Los Bañense. Hinikayat din niya ang lahat na ipagpatuloy ang dedikasyon at malasakit sa paglilingkod bilang katuwang sa patuloy na pag-unlad ng bayan ng Los Baños.

#WeeklyFlagCeremony

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 265 Total Views

Related:


;