Sunset at the Park feat. Acoustic Jam for a Cause: Musicians Corner (May 15, 2026)
Punong-puno ng musika, saya, at makabuluhang layunin ang naganap na Sunset at the Park nitong Mayo 15, 2026 sa General Paciano Rizal Park sa pamamagitan ng “Acoustic Jam for a Cause: Musicians Corner.”
Nagbigay aliw at magandang tugtugin ang mga mahuhusay na musikero na sina Nestor Leviste (Acoustic Guitar/Vocals), Richard Otero (Lead Guitar), Roger Missiona (Bass), Garry Apolinario at Lucky Lanzo (Drums), at Mhel De Miguel (Vocals), na tunay na nagpatingkad sa gabi ng musika at pagkakaisa para sa komunidad.
Sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang mga programang nagbibigay ng libreng de-kalidad na aliwan habang sinusuportahan ang lokal na talento, sining, at kultura. Ang Sunset at the Park ay hindi lamang simpleng pagtatanghal, kundi isang pagkakataon upang magsama-sama ang bawat Batang Los Bañense at makalikha ng masasayang alaala sa isang gabing puno ng himig at inspirasyon.
Related:
-
Most Viewed Article
