Local community visit supported residents and local handicraft makers in Jamboree Site, Batong Malake (May 15, 2026)
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng serbisyong diretso sa tao, nagsagawa ng community visit at house-to-house support initiative si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon nitong ika-15 ng Mayo 2026 (Biyernes) sa Jamboree Site, Brgy. Batong Malake. Ang aktibidad ay isinagawa na may buong suporta ni Community Leader Alex Domdom at may mabuting koordinasyon kay Punong Barangay Ian Kalaw upang matiyak ang maayos at organisadong pagdalaw sa mga residente ng lugar.
Sa kanyang pagbisita, personal na namahagi si Mayor Nocon ng bigas upang makatulog sa pangangailangan ng mga mamamayan. Nakiisa rin siya sa pakikipag-usap sa mga residente upang alamin ang kanilang kalagayan at mabigyang-suporta ang kanilang kabuhayan, kabilang ang pagpapalawig at pagsusulong ng mga handcrafted giveaway products na likha ng komunidad. Sa inisyatibang ito, higit pang ipinaabot ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang malasakit nito sa pag-unlad ng lokal na pamayanan at kabuhayan ng bawat mamamayan.
#CommunityVisit
#HouseToHouse
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
Related:
-
Most Viewed Article
