MENU
Philippine Standard Time:
Golden Sacerdotal Ordination Anniversary of Rev. Msgr. Jose Despedida Barrion marked with Thanksgiving Mass attended by Mayor Neil Andrew N. Nocon at Immaculate Conception Parish (May 14, 2026)
Published date: May 14, 2026
Golden Sacerdotal Ordination Anniversary of Rev. Msgr. Jose Despedida Barrion marked with Thanksgiving Mass attended by Mayor Neil Andrew N. Nocon at Immaculate Conception Parish (May 14, 2026)

Buong pusong nakiisa at nagpaabot ng suporta si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Kapistahan ni Apostol San Matias at sa ika-50 Sacerdotal Ordination Anniversary o ginintuang taon sa pagkapari ni Reverend Monsignor Jose Despedida Barrion, PC na ginanap nitong  ika 14 ng Mayo 2026 (Huwebes) sa Immaculate Conception Parish. Ang Thanksgiving Mass and Reception ay naging makabuluhang pagkakataon upang magbigay-pugay at pasasalamat sa limang dekada ng tapat, masigasig, at mapagkumbabang paglilingkod ni Rev. Msgr. Barrion sa Simbahan at lingkod ng Diyos sa sambayanan. 

Kasama ng mga parishioners, kaparian, mga opisyal ng pamahalaan, at iba’t ibang sektor ng komunidad, nakiisa ang lokal na pamahalaan sa makasaysayang pagdiriwang bilang pagkilala sa mahalagang ambag ni Rev. Msgr. Barrion sa pagpapalaganap ng pananampalataya, pagkakaisa, at paglilingkod sa mamamayan. Ipinapakita ng pakikiisa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang patuloy nitong suporta sa mga gawaing espiritwal at mga pagdiriwang na nagpapatibay sa pananampalataya at pagkakabuklod tungo sa isang mapayapa at makadiyos na bayan.

#50SacerdotalOrdinationAnniversary
#RevMsgrJoseDespedidaBarrionPC
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 235 Total Views

Related:


;