Enhancement Training for Lupong Tagapamayapa on Component 3: Katarungang Pambarangay (KP) Law and Accountability, successfully conducted in Los Baños (May 14, 2026)
Bilang bahagi ng pagpapatibay ng kapayapaan, kaayusan, at mahusay na pamamahala sa antas ng mga barangay, matagumpay na isinagawa ang Enhancement Training for Lupong Tagapamayapa: Component 3-Katarungang Pambarangay (KP) Law and Accountability ng Department of the Interior and Local Government (DILG) katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, na ginanap sa MultiPurpose Hall ng Pamahalaang tanggapan nitong ika-15 ng Mayo 2026 (Miyerkules). Pinalalim sa pagsasanay ang kaalaman at kakayahan ng mga opisyal at miyembro ng Lupong Tagapamayapa hinggil sa Katarungang Pambarangay, accountability, at epektibong pagresolba ng mga sigalot sa bayan. Dinaluhan ito ng mga Punong Barangay, Barangay Secretaries, at Lupon members mula sa 14 na barangay ng Los Baños bilang patunay ng kanilang dedikasyon sa mas maayos at makataong serbisyo publiko.
Naging makahulugan ang buong araw ng talakayan sa pangunguna ng iba’t ibang resource speakers kabilang sina Ms. Sheila Marie P. Care, RSW at Ms. Lorie Jean G. Montao ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) na tinalakay ang Children in Conflict with the Law and (CICL), Children at Risk (CAR) Process at Violence Against Women and their Children (VAWC) Law; samantalang ibinahagi ni Atty. Ronald Solis, Legal Officer ng City of Cabuyao ang usaping Settlement Enforcement and Execution. Pinagunahan naman ni DILG LGOO IV Brenda E. Caraos ang Lupong Tagapamayapa Incentives Awards; at DILG MLGOO/ LGOO VI Michiko R. Escalante sa Open Forum, Awarding of Certificates at Closing Ceremony. Sa bawat kaalamang naibabahagi at pagkakaisang nabubuo, mas lalong pinag-iibayo ang pundasyon ng isang mapayapa, makatarungan, at umaabanteng pamayanan para sa bawat Los Bañense.
#EnhancementTrainingForLupongTagapamayapa
#KPLawAndAccountability
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
