Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Cash Relief Assistance (CRA) Program reinforced support for jeepney drivers in Los Baños led by DSWD CALABARZON and the Municipality of Los Baños (May 14, 2026)
Muling umarangkada ang programa ng pamahalaan para sa sektor ng transportasyon sa pamamagitan ng pamamahagi ng Cash Relief Assistance (CRA) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) na isinagawa nitong Mayo 14, 2026 (Huwebes) sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center sa Los Baños. Pinangunahan ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office IV-A CALABARZON, katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, at sa buong suporta nina Cong. Ramil Hernandez at Cong. Ruth Hernandez. Ang naturang programa ay bahagi ng patuloy na pagbibigay ayuda sa mga public utility vehicle (PUV) drivers na naapektuhan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at iba pang hamon sa kabuhayan dulot ng pandaigdigang krisis.
Kabilang ang Los Baños sa anim na payout sites na itinalaga ng DSWD Region IV-A sa iba’t ibang bahagi ng CALABARZON kung saan sabay-sabay na isinagawa ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga kwalipikadong jeepney drivers. Sa bayan ng Los Baños, tinatayang 757 jeepney drivers mula sa ikalawang distrito ng Laguna ang nakatanggap ng ayuda sa nasabing araw.
Lubos namang nagpahayag ng pasasalamat ang mga benepisyaryo sa patuloy na malasakit at suporta ng pambansa at lokal na pamahalaan. Sa pagtutulungan, patuloy ang paghahatid ng mga serbisyong direktang nakatutulong sa bayan, lalo na sa mga sektor na higit na nangangailangan ng suporta mula sa pamahalaan.
#CashReliefAssistance
#AICSpayout
#DSWDCALABARZON
#PUVdriversOfLosBaños
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
