Local leaders and stakeholders convened for seminar on food donation and community nutrition (May 13, 2026)
Aktibong nakibahagi si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ginanap na “Seminar on Localizing Food Donation Act: Opportunities and Challenges in Community Nutrition” noong Mayo 13, 2026 (Miyerkules) sa College of Public Affairs and Development (CPAf) Multi-Purpose Hall ng University of the Philippines Los Baños (UPLB). Ang seminar ay inorganisa ng mga mag-aaral ng Development Management (DM 201) Graduate Students ng CPAf bilang bahagi ng pagsusulong ng mas epektibong pagpapatupad ng Food Donation Act at pagpapalakas ng mga programang pangkomunidad para sa nutrisyon at seguridad sa pagkain. Nagbigay ng welcome remarks si Ms. Rhea L. Gumasang, Dean ng CPAf, habang naghatid naman ng maitalang mensahe ng suporta si Dr. Jose V. Camacho, Jr., Chancellor ng UPLB Nagbahagi rin ng inspirational message si Mayor Nocon bilang pagpapakita ng suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang naglalayong tugunan ang kagutuman at malnutrisyon sa komunidad. Samantala, inilahad ni Ms. Madeleine M. Alforja ng Municipal Nutririon Action Office (MNAO) at DM 201 Student, ang overview ng seminar at ipinakilala ang mga resource speakers.
Tampok sa round table discussion sina Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Municipal Councilor at Committee Chairperson on Health, Nutrition and Sanitation ng Los Baños, Laguna; Ms. Ma. Cristina B. Sison, RND, Ex-Officio ng Philippine Stakeholders for Nutrition and Dietetics, Inc.; at Ms. Marilyn B. Moral, RSW, Director III, Concurrent Officer-in-Charge at Deputy Program Manager ng Pag-Abot National Program Management Office ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Tinalakay ng mga tagapagsalita ang mahahalagang oportunidad at hamon sa pagpapatupad ng localized food donation initiatives upang mapalawak ang access sa sapat at masustansyang pagkain ng mga mamamayan.
Sinundan ito ng open forum kasama ang mga stakeholders upang talakayin ang iba’t ibang pananaw at rekomendasyon hinggil sa community nutrition programs. Inilahad naman ni Mr. Ian Mafeo G. Bejo, DM 201 Student, ang synthesis ng programa habang nagbigay ng closing remarks si Ms. Maria Kristina G. Alinsunurin, FIC at Associate Professor ng UPLB CPAf.
Bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag, iginawad din ang certificates of appreciation sa mga resource speakers at katuwang ng programa bilang pasasalamat sa kanilang suporta at pagbabahagi ng kaalaman. Patunay ang aktibidad na ito sa dedikasyon ng iba’t ibang sektor sa pagsusulong ng mga polisiya at programang nakatuon sa kalusugan at kapakanan ng bawat mamamayan.
#SeminarOnLocalizingFoodDonationAct
#Opportunities&ChallengesInCommunityNutritions
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
