MENU
Philippine Standard Time:
WILUP Project consultation meeting strengthened collaboration for watershed sustainability initiatives in Los Baños (May 13, 2026)
Published date: May 13, 2026
WILUP Project consultation meeting strengthened collaboration for watershed sustainability initiatives in Los Baños (May 13, 2026)

Isinagawa ang WILUP Project Consultation Meeting nitong Mayo 13, 2026 (Miyerkules) sa Municipal Conference Room. Tinalakay ang mahalagang usapin kaugnay ng pagpapatupad ng WILUP o Watershed Integrated Area Land Use Planning Project (WILUP), isang proyektong hangad ang pagpapanatili at katatagan ng mga watershed na ipinatutupad ng College of Forestry and Natural Resources ng University of the Philippines Los Baños (CFNR-UPLB) na may suporta mula sa DOST-PCAARRD. Napag-usapan rin ang kasalukuyang estado ng Ridge to Reef (R2R) o Watershed Ecosystem Management (WEM) approach implementation, at mga susunod na hakbang para sa mas matibay na kolaborasyon katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon at mga katuwang na ahensya at institusyon.

Kabilang sa mga dumalo sa consultation meeting sina MPDC Ms. Twila T. Torres, Planning Officer III Ms. Lou Andie D. Reyes, at mga opisyal ng UPLB kabilang sina Dr. Rex Victor O. Cruz; Dr. Vida Carandang; Mr. Diego Miguel C. Sapnu; Ms. Charmaine Trilana; at Ms. Monica Castillo. Sa naging talakayan, pinaigting ang sama-samang pagkilos ng bawat sektor upang matiyak ang maayos na implementasyon ng mga programa sa ilalim ng WILUP Project. Ipinahayag naman ng pamahalaang lokal ang patuloy nitong suporta sa mga proyektong naglalayong mapanatili ang balanseng kaunlaran, pangangalaga sa kalikasan, at pangmatagalang benepisyo para sa mamamayan ng Los Baños.

#WILUPProjectConsultationMeeting

#UniversityOfThePhilippinesLosBaños

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 236 Total Views

Related:


;