Los Baños joined the commemoration of Gat Apolinario Mabini’s 123rd death anniversary (May 13, 2026)
Buong galak na nakiisa si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa programang “Gat Apolinario M. Mabini sa Bayan ng Bay at Los Baños, Laguna: Isang pagkilala at pagpupugay sa kanyang kabayanihan” na ginanap noong Mayo 13, 2026 (Miyerkules) sa Celyo Rizal, Inc. sa Bay, Laguna bilang paggunita sa ika-123 anibersaryo ng kanyang kamatayan.
Nagbigay ng mensahe sa programa ang mga panauhing pandangal kabilang sina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ng Los Baños, Laguna; Hon. Vice-Mayor Antonino A. Aurelio ng Rizal, Laguna; Community Affairs Assistant II Eddrine Paul I. Papa bilang kinatawan ni Hon. Mayor Michael M. Punzalan ng Bay, Laguna; Hon. Teodoro Derrick C. Villa, Curator ng Rizal Shrine mula sa National Historical Commission of the Philippines; Hon. Herminio A. Bedania, Punong Barangay ng Maitim, Bay, Laguna; at Atty. Joel C. Quidayan, apo ni Alejandro Quidayan na kumupkop kay Apolinario Mabini sa Bayan ng Bay, Laguna. Pinangunahan naman ni Hon. Peter Jaynul V. Uckung, Head ng History, Arts and Culture Division ng Laguna Tourism, Culture, Arts and Trade Office, ang pangwakas na pananalita. Dinaluhan rin ito ng mga miyembro ng Knights of Rizal kabilang si DENR CALABARZON ARD for Technical Services Eriberto B. Saños, at iba pang mga panauhin bilang pagbibigay-pugay sa kabayanihan at makabayang adhikain ni Gat Apolinario Mabini. Sa pamamagitan ng programa ay muling inalala ang diwa ng kanyang kabayanihan, katalinuhan, at wagas na pagmamahal sa bayan na patuloy na nagsisilbing aral at inspirasyon sa bawat Pilipino hanggang sa kasalukuyan.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
