Los Baños Municipal School Board convened to discuss education programs, innovations, and development initiatives (May 12, 2026)
Nagdaos ng espesyal na pagpupulong ang Municipal School Board ng Los Baños nitong Mayo 12, 2026 (Martes) sa Municipal Admin Office sa pangunguna nina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon bilang Chairperson at Schools District Supervisor Ms. Soledad S. Villanueva ng Department of Education Los Baños, bilang Co-Chairperson. Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang iba’t ibang mahahalagang programa at inisyatiba para sa patuloy na pagpapaunlad ng sektor ng edukasyon sa bayan. Kabilang dito ang mga update sa Rizal Classrooms of the Future sa pakikipagtulungan ng Gender and Development (GAD) Office sa pangunguna ni GAD Officer Karen L. Mercado at Municipal Planning and Development Office (MPDO) sa pangunguna ni Ms. Twila T. Torres, gayundin ang pagpapakilala ng bagong Rizal Tablet application na binuo katuwang ang mga opisyal, guro at estudyante ng Laguna State Polytechnic University (LSPU). Napag-usapan din ang LB Sports Development Program at ang mga kasalukuyang hakbang tungo sa pagtatatag ng Los Baños Senior High School upang higit pang mapalawak ang akses ng mga kabataan sa dekalidad na edukasyon. Bukod dito, natalakay rin ang partisipasyon ng Department of Education sa pagdiriwang ng Bañamos 2026 bilang pagpapakita ng patuloy na pakikipag-ugnayan at suporta ng sektor ng edukasyon sa mga programa at aktibidad ng lokal na pamahalaan para sa kapakinabangan ng mga mag-aaral at mamamayan ng Los Baños.
Kabilang sa mga miyembro ng Municipal School Board sina Municipal Councilor at Chair ng Committee on Education Hon. Jay G. Rolusta, Sangguniang Kabataan Federation President Hon. Samantha Nicole A. Banasihan-Ortega, Municipal Treasurer Ms. Maria Luisa G. Diaz, Mr. Rodel J. Guevarra, Teachers Organization President Marcelino M. Ramos, Public Secondary Level Representative Mr. Franco A. Del Castillo, at Parents Teachers Association Federation President Ms. Luzviminda D. Malibiran. Kabilang rin dito ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang Civil Society Organizations kabilang ang Rotary Club of Los Baños Makiling na kinatawan nina Maria Elisa M. Ronan bilang Primary Representative at Aleli C. Domingo bilang Alternate Representative; ang Young Men’s Christian Association of Los Baños, Incorporated na kinatawan nina Rodolfo V. Tolentino bilang Primary Representative at Rolito H. Bacalangco, Jr. bilang Alternate Representative; at ang Knights of Rizal – Mount Makiling na kinatawan nina Crisologo S. Angeles bilang Primary Representative at Gerardo V. Tolentino bilang Alternate Representative. Sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, Department of Education, at iba’t ibang sektor ng komunidad, patuloy na isinusulong ng Municipal School Board ang mga programang magbibigay ng dekalidad at mas inklusibong edukasyon para sa mga kabataang Los Bañense.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
