MENU
Philippine Standard Time:
Fuel Subsidy assistance provided to Los Baños TODA members through DSWD Program for transport sector relief (May 12, 2026)
Published date: May 12, 2026
Fuel Subsidy assistance provided to Los Baños TODA members through DSWD Program for transport sector relief (May 12, 2026)

Naisakatuparan ang pamamahagi ng Fuel Subsidy para sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) ng Los Baños sa pangangasiwa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Sta. Cruz Provincial Office, bilang bahagi ng patuloy na hakbang ng pamahalaan sa pagtugon sa epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, gayundin sa pagbibigay ng tulong sa gastusin ng mga tricycle operators at drivers upang mapagaan ang kanilang kabuhayan.

Buong suporta at aktibong pakikiisa sa programa ang ipinakita nina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, Hon. Aldous Amiel B. Perez, at Hon. Jay A. Rolusta, kasama sina POSO Head Mr. Edilco Abad at MSWDO Ms. Hannah Erika Laviña. Nakiisa rin sina Cong. Ramil Hernandez at Cong. Ruth Hernandez, na patuloy na nagsusulong ng mga programang direktang nakatutugon sa pangangailangan ng sektor ng transportasyon at kabuhayan ng mga mamamayan.

Ang programa ay bahagi ng inisyatiba at pagkakaisa ng pamahalaang nasyonal at lokal sa paghahatid ng agarang tulong at suportang pangkabuhayan sa mga transport workers, na naglalayong higit pang mapatatag ang kanilang kabuhayan at mapabuti ang kanilang antas ng pamumuhay.

#FuelSubsidyPayout

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 276 Total Views

Related:


;