MENU
Philippine Standard Time:
UPLB Exhibit featuring Kidlat Tahimik launched with support from the Municipality of Los Baños (May 5, 2026)
Published date: May 5, 2026
UPLB Exhibit featuring Kidlat Tahimik launched with support from the Municipality of Los Baños (May 5, 2026)

Nakiisa at nagpakita ng suporta si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa pagbubukas ng natatanging eksibit na inilunsad nitong Mayo 5, 2026 (Miyerkules) sa Student Union (SU Building) ng University of the Philippines Los Baños (UPLB), tampok ang mga obra ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula at Sining Pangbrodkast na si Mr. Eric O. de Guia ’59, na mas kilala bilang “Kidlat Tahimik”. Inorganisa ng Upsilon Sigma Phi, ang programa ay nagsilbing pagpupugay sa makulay na ambag ng National Artist sa larangan ng sining, pelikula, at kultura. Dinaluhan ng mga kinatawan mula sa akademya, sining, at lokal na pamahalaan ang paglulunsad, habang nagkaroon din ng espesyal na meet-and-greet na nagbigay sa mga dumalo ng pambihirang pagkakataong makadaupang-palad ang artist at marinig mismo ang kanyang mga pananaw hinggil sa sining bilang daluyan ng makabayang kamalayan at malikhaing paglaya.

Sa kanyang pakikiisa, muling pinagtibay ni Mayor Nocon ang suporta ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa mga gawaing nagtataguyod ng sining, kultura, at pambansang identidad. Itinampok sa eksibit ang iba’t ibang instalasyon, visual artworks, at personal na artepakto na sumasalamin sa limang dekadang paglalakbay ni Kidlat Tahimik bilang isang tunay na “Kultur Warrior” at tagapagsalaysay ng mga kuwentong Pilipino. Sa pamamagitan ng makapangyarihang mga likha, naipakita kung paanong ang sining ay naging kasangkapan sa muling pag-angkin ng mga kuwenton0g Pilipino at pagpapatibay ng kamalayang makabayan. Nanatiling bukas sa publiko ang eksibit hanggang Mayo 19, 2026, na nagbigay sa bayan ng Los Baños ng pagkakataong maranasan ang isang makabuluhang pagdiriwang ng sining at kultura.

#KidlatTahimik

#UpsilonSigmaPhi

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 252 Total Views

Related:


;