Nutrition and Wellness Fair in Los Baños promoted wellness, nutrition, and active community engagement (May 11, 2026)
Ginanap ang Nutrition and Wellness Fair sa Municipal Activity Area nitong ika-11 ng Mayo 2026 (Lunes) na pinangasiwaan ng University of the Philippines Los Baños College of Human Ecology – Institute of Human Nutrition and Food (UPLB CHE-IHNF) sa pangunguna nila Assistant & Associate Professors Ms. Aileen De Juras, Mr. Genrev Esguerra, Ms. Leila Africa, Ms. Angelina Bustos, Ms. Ana Lorraine Dela Vega, Ms. Rodesa Forcadilla, Mr. Arven Pasia, at Ms. Geneses Laurete. Ito ay bunga ng pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa pamamagitan ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO) sa pangunguna ni Ms. Madeleine Alforja. Personal na dumalo at nagbigay ng mensahe si Mayor Nocon kung saan kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng wastong nutrisyon, malusog na pamumuhay, at aktibong pakikilahok ng komunidad sa mga programang pangkalusugan para sa kapakanan ng bawat mamamayang Los Bañense.
Ang programa ay batay sa isinagawang learning needs assessment ng UPLB CHE IHNF upang makapagbigay ng mas angkop at epektibong tugon sa mga pangangailangan ng komunidad kaugnay ng nutrisyon at wellness. Naging tampok dito ang iba’t ibang interactive activities mula sa student entrepreneurs, food booths, at educational discussions na nagpamalas ng kahalagahan ng masustansyang pagkain, wastong dietary practices, at makabagong pamamaraan sa pagsusulong ng kalusugan.
Ang matagumpay na Nutrition and Wellness Fair ay nagpatibay sa ugnayan ng akademya at lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng mas malusog na pamayanan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, patuloy na naipamalas ang kahalagahan ng edukasyon sa nutrisyon, aktibong pakikilahok, at pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan na tunay na tumutugon sa pangangailangan ng bawat mamamayang Los Bañense.
#NutritionAndWellnessFair
#UPLBCHEIHNF
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
