Weekly Flag Raising Ceremony (2nd Monday of May 2026)
Isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, ang regular na flag raising ceremony nitong ikalawang Lunes ng Mayo 2026 kung saan pinangasiwaan ang programa ng Pamahalaang Barangay Baybayin sa pangunguna ni Punong Barangay Kap. Conrado Villamor Lanuzo kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay. Sa kanyang ulat, ibinahagi ni Kap. Lanuzo ang mga naging katuparan at mga kasalukuyang programa ng kanilang barangay.
Tampok din sa programa ang paanyaya ni Ms. Madeleine Alforja ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO), sa Nutrition and Wellness Fair sa Municipal Activity Area sa parehong araw (May 11, 2026) na pinangunahan ng University of the Philippines Los Baños College of Human Ecology – Institute of Human Nutrition and Food (UPLB CHE-IHNF) sa pamamagitan ng mga faculties na sina Ms. Aileen De Juras, Mr. Genrev Esguerra, Ms. Leila Africa, Ms. Angelina Bustos, Ms. Ana Lorraine Dela Vega, Ms. Rodesa Forcadilla, Mr. Arven Pasia, at Ms. Geneses Laurete, kasama ang mga student entrepreneurs na isinusulong ang mas malalim na kamalayan sa wastong nutrisyon at wellness sa pamamagitan ng makabuluhan at interaktibong pakikilahok ng mga mamamayan.
Sa pamamagitan naman ni Hon. Aldous Amiel B. Perez ay nagpaabot naman si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ng pagbati sa lahat ng nakiisa sa makabuluhang seremonya kabilang ang mga dumalong miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, at Hon. Jay A. Rolusta, mga Department at Unit Heads sa pangunguna ni Municipal Administrator Virgilio Tiongson at Chief of Staff Pong Guinto, ang DILG Family (PNP, BFP, BJMP) at PCG, iba pang mga kawani ng pamahalaan, at mga DOLE SPES (Special Program for Employment of Students) beneficiaries, na sumasalamin sa paninindigang higit pang paigtingin ang serbisyong tapat, makatao, at Serbisyong Diretso sa Tao para sa bayan ng Los Baños.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
