Empowered People’s Law Enforcement Board (PLEB), advanced responsible governance and public service in Los Baños (May 7, 2026)
Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Laguna, katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños at National Police Commission (NAPOLCOM) CALABARZON, ang Strengthening Civilian Oversight: A Reorientation and Skills Enhancement Training for People's Law Enforcement Board (PLEB) nitong ika-7 ng Mayo 2026 (Miyerkules) sa Municipal Multipurpose Hall bilang bahagi ng pinaigting na pagsusulong ng transparency at accountability sa hanay ng law enforcement. Nagbibigay ng welcome remarks si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon na ipinahayag ang kahalagahan ng responsible at episyenteng mekanismo ng civilian oversight upang mapanatili ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan at kapulisan. Naghatid naman ng inspirational message si Dir. Jay Beltran, Provincial Director ng DILG Laguna, habang nagbigay rin ng mensahe sina Atty. Joicel C. Sopeña, Chief ng Technical Services Division at Provincial Officer ng NAPOLCOM CALABARZON; Atty. Mia Antonette M. Quijano, Assistant Regional Director ng NAPOLCOM CALABARZON; at RD Julieta P. Rañeses, CESO IV, Regional Director ng NAPOLCOM CALABARZON.
Tampok sa pagsasanay ang mga talakayan ukol sa PLEB legal basis and policies, case management, procedures, at decision-making upang higit na mapalakas ang kakayahan ng mga miyembro ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) sa maayos na paghawak ng mga kasong may kaugnayan sa kapulisan. Dito ay ibinahagi ni Ms. Evelyn Gironella-Sales, PLEBAL President ang adhikain ng People’s Law Enforcement Board Association of Laguna (PLEBAL), tinalakay ni Atty. Mia Antonette M. Quijano ang PLEB Legal Basis and Policies & Case Management, at ibinahagi naman ni Atty. Joicel C. Sopeña ang PLEB Procedures and Decision Making. Nagkaroon din ng awarding of certificates bilang pagkilala sa aktibong partisipasyon ng mga dumalo. Sa pagtatapos ng programa, nagbigay ng ways forward at paglagom si DILG Laguna Cluster A Team Leader Ms. Maria Lorilyn V. Manrique, na nagbigay-diin sa patuloy na pagtutulungan ng DILG Laguna, NAPOLCOM CALABARZON, at Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pagsusulong ng mabuting pamamahala at dekalidad na serbisyong pampubliko.
#StrengtheningCivilianOversight
#ReorientationAndSkillsEnhancementTraining
#PLEBLosBaños
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
