Mayor Nocon led inspection of ongoing improvement works at the Los Baños Old Pantalan (May 5, 2026)
Pinangunahan ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon kasama sina Municipal Engineer Ricky Estopace, Mr. Archie Gonzalvo ng General Services Office (GSO), iba pang kawani ng Pamahalaan, at mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagbisita sa Old Pantalan ng Los Baños nitong ika-5 ng Mayo 2025 (Martes). Tiniyak nila ang maayos na implementasyon ng mga proyekto at tinukoy ang mga kinakailangang karagdagang interbensyon para sa mas ligtas at mas episyenteng pasilidad para sa publiko.
Sa isinagawang inspeksyon, tinalakay ang kasalukuyang progreso ng mga ongoing improvements sa Old Pantalan at ang mga susunod na hakbang upang higit pang mapabuti ang kondisyon nito. Nagkaisa ang grupo sa tuloy-tuloy na koordinasyon upang masiguro ang de-kalidad at pangmatagalang resulta ng mga proyekto para sa kapakinabangan ng mga mamamayan.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
