MENU
Philippine Standard Time:
New Barangay Mayondon Councilor formally sworn into Office led by Mayor Nocon (May 6, 2026)
Published date: May 6, 2026
New Barangay Mayondon Councilor formally sworn into Office led by Mayor Nocon (May 6, 2026)

Pinangunahan ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang pormal na panunumpa sa tungkulin ni G. Gildominic Eusebio Lapitan bilang bagong konsehal ng Barangay Mayondon nitong Mayo 6, 2026 (Miyerkules) sa kanyang tanggapan. Sinaksihan ito ni DILG MLGOO Michiko R. Escalante, Brgy. Timugan Punong Brgy. Renato Samson, at Brgy. Secretary Marc Lein Torres kasama ang iba pang kawani ng pamahalaan at mga kaanak ni G. Lapitan. Ang kanyang panunungkulan ay bunsod ng pagkabakante ng posisyon dulot ng pagpanaw ni Hon. Rommel Maningas, na nagsilbi sa barangay nang may katapatan at dedikasyon sa mamamayan ng Mayondon.

Sa kanyang panunumpa, ipinahayag ni G. Lapitan ang kanyang hangaring maitaguyod ang responsableng pamamahala, maayos na pakikipag-ugnayan, at mas pinaigting na paghahatid ng mga programang makatutugon sa pangangailangan ng barangay. Inaasahan na sa kanyang panunungkulan ay maipagpapatuloy ang mga nasimulang adhikain at mabuting hangarin para sa buong pamayanan.

#OathTakingCeremony

#BarangayMayondon

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 249 Total Views

Related:


;