MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños empowered Lupong Tagapamayapa with advanced Conciliation Skills Training (May 5, 2026)
Published date: May 5, 2026
Los Baños empowered Lupong Tagapamayapa with advanced Conciliation Skills Training (May 5, 2026)

Isinagawa ang Enhancement Training for Lupong Tagapamayapa Component 2: Enhancing Conciliation Skills nitong Mayo 5, 2026 (Martes) sa AVR ng Los Baños Central Elementary School bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kakayahan ng mga miyembro ng Lupong Tagapamayapa sa epektibong pagresolba ng mga sigalot sa bayan. Pinangunahan ang programa ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, na nagpahayag ng kahalagahan ng mapayapang pakikipagkasundo bilang pundasyon ng maayos at nagkakaisang pamayanan. Tampok sa pagsasanay ang mahahalagang talakayan ukol sa Safe Spaces Act na tinalakay ni GAD Focal Person Ms. Karen Lagat-Mercado, Conciliation Skills na ibinahagi ni DILG Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) Ms. Michiko R. Escalante, at mga usapin hinggil sa KP Jurisdiction, Venue and Procedure na masusing tinalakay ni Atty. Robert Laviña.

Naging matagumpay ang pagsasanay sa aktibong pakikilahok ng mga kinatawan mula sa Brgy. Anos, Brgy. Batong Malake, Brgy. Bambang, Brgy. Bayog, Brgy. Baybayin, Brgy. Lalakay, Brgy. Mayondon, Brgy. Maahas, Brgy. Malinta, Brgy. San Antonio, Brgy. Timugan, at Brgy. Tuntungin-Putho, na nagpamalas ng kanilang dedikasyon sa pagpapaigting ng barangay justice system sa bayan. Sa pamamagitan ng open forum at palitan ng kaalaman, higit pang pinagtibay ang kolektibong layunin ng bawat barangay na mapanatili ang kaayusan, pagkakaunawaan, at mabilis na pagresolba ng alitan sa kani-kanilang nasasakupan tungo sa isang mas mapayapa at maunlad na Los Baños.

#EnhancementTrainingForLupongTagapamayapa

#EnhancingConciliationSkills

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 427 Total Views

Related:


;