MENU
Philippine Standard Time:
Municipality of Los Baños and University of the East launched Sports Clinic to empower youth through athletics (May 4, 2026)
Published date: May 4, 2026
Municipality of Los Baños and University of the East launched Sports Clinic to empower youth through athletics (May 4, 2026)

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mga programang nakatuon sa pagpapaunlad ng kabataan sa larangan ng sports, kalusugan, at disiplina, pormal na inilunsad ang Badminton and Fencing Sports Clinic sa bayan ng Los Baños nitong Mayo 4, 2026 (Lunes) sa Municipal Activity Area. Ito ay bunga ng pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Local Youth Development Office (LYDO) sa pangunguna ni Ms. Revilyn D. Perez, at ng University of the East (UE), Office of Extension and Community Outreach, National Service Training Program sa pangunguna ni UE President Dr. Zosimo Battad, kasama sina Dr. Louie Divinagracia, Chancellor of UE Manila Campus; Dr. Rogelio Espiritu, Director for Office of Extension and Community Outreach; Dr. Madeleine Co, Assistant NSTP Coordinator; Dr. Alberto Paala Jr., Dean, Graduate School; Dr. Leo Robert Viajar, Director, Physical Education; Mr. Gerardo Venturina, Principal on Basic Education; Ms. Erika Villaluna, Faculty on Basic Education and NSTP; Head Coach on Fencing Lee Eigran E. Ergina; at mga Coaches na sina Robert Cabaero, Luis Shoemaker, at Von Eubert Gale.

Hindi lamang simpleng pagsasanay ang hatid ng Badminton and Fencing Sports Clinic, kundi isa rin itong plataporma upang mahasa ang disiplina, tiyaga, determinasyon, at tamang pag-uugali ng mga kalahok na kinakailangan sa loob at labas ng kompetisyon. Sa pamamagitan ng hands-on demonstrations, interactive drills, at aktuwal na pagtuturo mula sa mga eksperto sa badminton at fencing, naging masigla at kapana-panabik ang programa. Patunay ito sa patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan, katuwang ang mga institusyong pang-edukasyon tulad ng UE, na maghatid ng mga programang hindi lamang nagbibigay-aliw kundi tunay na lumilinang sa kakayahan sa larangan ng palakasan ng susunod na henerasyon ng mga Los Bañense.

#BadmintonAndFencingSportsClinic

#UniversityOfTheEast

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 227 Total Views

Related:


;