Los Baños Sunset at the Park feat. UPLB Choral Ensemble (May 2, 2026)
Isang maringal na entablado ng kultura at musika ang Sunset at the Park nitong Mayo 2, 2026 (Sabado) sa General Paciano Rizal Park. Tampok ang espesyal na pagtatanghal ng UPLB Choral Ensemble sa ilalim ng pangunguna ni Conductor Roijin G. Suarez, na nagbigay ng natatanging himig at inspirasyon sa lahat.
Sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, patuloy na itinataguyod ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang mga programang nagbibigay ng libreng de-kalidad na aliwan at nagtatampok sa sining at kultura ng bayan. Sa pamamagitan ng Sunset at the Park, muling nabigyan ng pagkakataon ang komunidad na magsama-sama, makapagpahinga, at makaranas ng mga gabing puno ng saya at alaala.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
