MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños granted 1st Quarter Longevity Benefits to Senior Citizens (April 30, 2026)
Published date: Apr 30, 2026
Los Baños granted 1st Quarter Longevity Benefits to Senior Citizens (April 30, 2026)

Matagumpay na naipamahagi ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, ang 1st Quarter Longevity Grant Payout nitong Abril 30, 2026 (Miyerkules) sa Municipal Treasury Office para sa mga senior citizen na may edad 80 hanggang 99 taong gulang. Sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa pamamagitan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni MSWDO at OSCA Caretaker Hanna Erika E. Laviña, sa pakikipagtulungan ng Municipal Treasury Office (MTO) na pinangungunahan ni Municipal Treasurer Maria Luisa G. Diaz, ay personal na tinanggap ng mga benepisyaryo ang kanilang insentibong ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan bilang pagkilala sa kanilang mahabang buhay at natatanging ambag sa bayan.

Tiniyak ng lokal na pamahalaan ang mabilis at episyenteng serbisyo upang maihatid ang benepisyo sa mga kwalipikadong senior citizens, bilang bahagi ng patuloy na pagpapatibay ng mga programa para sa kanilang kapakanan at kagalingan.

#1stQuarterLongevityGrantPayout

#SeniorCitizensOfLosBaños

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 239 Total Views

Related:


;