Los Baños Municipal Job Fair opened wider employment opportunities for job jeekers (April 30, 2026)
Muling ginanap ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) sa pangunguna ni PESO Manager Gliceria Trinidad, ang Municipal Job Fair nitong Abril 30, 2026 (Miyerkules) sa Municipal Activity Area. Naging mahalagang katuwang sa tagumpay ng aktibidad ang iba’t ibang kumpanya tulad ng Ace Hardware, Alfamart Trading, Epson Precision, NWOW International, at Asia Brewery Incorporated, na nagbukas ng malawak na hanay ng oportunidad sa trabaho para sa mga job seekers.
Taos pusong pasasalamat sa mga kumpanyang nagbigay ng tiwala at sa mga mamamayang aktibong nakibahagi sa programa. Higit pa sa pagbibigay ng trabaho, ang inisyatibong ito ay patunay ng patuloy na pangako ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños na magbukas ng mas maraming oportunidad, magpalakas ng kabuhayan, at maghatid ng mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat pamilyang Los Bañense.
#MunicipalJobFair
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
