Los Baños enhanced Barangay Peace and Justice through Lupong Tagapamayapa Training (April 29, 2026)
Isinagawa nitong Abril 29, 2026 (Miyerkules) sa Municipal Multipurpose Hall ang Enhancement Training for Lupong Tagapamayapa na pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pangunguna nina MLGOO Michiko R. Escalante at DILG Laguna Cluster Head Maria Lorilyn V. Manrique. Dumalo sa aktibidad ang mga Punong Barangay, Barangay Secretaries, Lupon Clerks o Investigators, at mga Barangay Tanod mula sa iba’t ibang barangay ng Los Baños, kasama ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon.
Higit pang pinalakas sa pagsasanay ang Barangay Justice System kung saan binigyan ng makabagong kaalaman at kasanayan sa mga opisyal ng barangay hinggil sa epektibong pakikipagkasundo at amicable settlement ng mga alitang pangkomunidad. Tinalakay rin sa programa ang institutionalization at implementasyon ng Barangay Legislative Awards (BLA) bilang pagkilala sa mahusay na pamamahala at serbisyong pampamayanan.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
