Los Baños joined Multi-Sector “Diskartepreneur” Learning Session to Boost Youth Entrepreneurship Skills (April 29, 2026)
Dinaluhan ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon kasama si Hon. Jay Rolusta ang “Diskartepreneur: Learning Personal Entrep Competencies through Role Play,” isang makabuluhang learning session na pinangunahan ng Balai Wari, katuwang ang SEARCA (Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture) at Life Learning Organization of Peace (LLoP). Naging bahagi ng programa ang iba’t ibang ahensya at lokal na Pamahalaan kabilang ang Naging bahagi ng programa ang iba’t ibang ahensya at lokal na pamahalaan kabilang ang DepEd (Department of Education), DTI (Department of Trade and Industry), DILG (Department of the Interior and Local Government), LGU Los Baños, at LGU Pila. Nakiisa rin sa aktibidad si DILG Laguna Provincial Director Jay Beltran at ang DepEd Los Baños sa pangunguna ni Schools District Supervisor Soledad Villanueva, kasama ang iba pang school heads. Sa pagbubukas ng programa, nagbigay ng welcome remarks si SEARCA Deputy Director Rico Ancog, habang pinangunahan ni Chairman at President ng LLoP Dr. Cielito F. Habito, ang context-setting at pagbibigay ng kabuuang layunin ng Convergence Forum. Nagkaroon din ng sharing of initiatives mula sa mga nasabing ahensya hinggil sa kanilang youth entrepreneurship efforts.
Tampok sa aktibidad ang gamified immersive learning na pinangunahan nina Mr. Gian De Jesus at Ms. Kate De Jesus ng Balai Wari, kung saan aktibong lumahok ang mga kalahok sa role-play at experiential exercises upang mapalalim ang kanilang entrepreneurial mindset, skills, at attitude. Sinundan ito ng Learning Circles at plenary reporting na pinangunahan nina Mr. Bert Tagalog, Ms. Pilar Habito, at Mr. Ciel Habito, na nagbigay-daan sa pagbabahagi ng mahahalagang insight at synthesis ng mga natutunan. Ang nasabing programa ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng iba’t ibang sektor, sa pangunguna at suporta ng lokal na pamahalaan at mga institusyong pang-edukasyon, upang higit pang mapalakas ang kakayahan ng kabataan at komunidad sa larangan ng entrepreneurship.
#LearningPersonalEntrepCompetencies
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
