MENU
Philippine Standard Time:
Mayor Nocon supported the opening of RMFB4A Basketball League 2026 in Los Baños (April 28, 2026)
Published date: Apr 28, 2026
Mayor Nocon supported the opening of RMFB4A Basketball League 2026 in Los Baños (April 28, 2026)

Nagpakita ng buong suporta si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa pagbubukas ng Regional Mobile Force Battalion 4A (RMFB4A) Basketball League 2026 na ginanap nitong Abril 28, 2026 (Martes) sa Camp Macario Sakay, Brgy. Lalakay, Los Baños, Laguna. Ang aktibidad ay sumasalamin sa pagpapahalaga sa sportsmanship, pagkakaisa, disiplina, at pagpapalakas ng samahan sa hanay ng kapulisan. Sa mensahe ni Mayor Nocon, ipinahayag niya ang kahalagahan ng palakasan bilang daan upang mapanatili ang malusog na pangangatawan, matatag na kaisipan, at mas matibay na ugnayan sa pagitan ng mga kasapi ng organisasyon. Kabilang sa mga nanguna sa programa sina PCpl Hazel J. Baarde, Ms. Pat Judy Ann G. Famaranglas, Battalion Life Coach Pastor Jucel Ronie C. Arceo, PSMU Officer PCPT Arnel C. Villanueva, Admin Officer PLT Angelo T. Ponce, OESPO PEMS Rudolf P. Alcaraz, Logistic PNCO PCMS Mycol B. Barana, PCPT Arnel C. Villanueva, at PLT Angelo T. Ponce.

Sa pakikiisa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, higit pang napagtibay ang samahan, tiwala, at malasakit sa pagitan ng pamahalaan at kapulisan tungo sa mas ligtas, mas maayos, at mas nagkakaisang bayan.

#RMFB4ABasketballLeague2026

#RegionalMobileForceBattalion4A

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 262 Total Views

Related:


;