MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños strengthened Food Safety Standards through Food Handler Orientation program (April 28, 2026)
Published date: Apr 28, 2026
Los Baños strengthened Food Safety Standards through Food Handler Orientation program (April 28, 2026)

Nagsagawa ng Food Handler Orientation ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños nitong Abril 28, 2026 (Martes) sa Municipal Multipurpose Hall bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kaligtasan sa pagkain, wastong nutrisyon, at responsableng pangangasiwa sa mga pagkaing inihahain saq publiko. Sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon at sa pamamagitan ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO) na pinangungunahan ni Ms. Madeleine M. Alforja, RND, dinaluhan ang programa ng mga food handlers mula sa iba’t ibang sektor upang higit na mapalalim ang kanilang kaalaman sa tamang food preparation, sanitation, at pagpapanatili ng mataas na pamantayan sa food safety. Nagbigay ng pambungad na mensahe si Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Councilor on Health and Nutrition, habang personal namang naghatid ng inspirational message si Hon. Mayor Nocon bilang pagpapakita ng buong suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang pangkalusugan at pangkabuhayan.

Tampok sa oryentasyon ang mga talakayang “Smart Choices: Nutritional Safety and Quality” na pinangunahan ni Ms. Alforja, gayundin ang Food Safety Orientation at Sanitation Code of the Philippines na tinalakay ni Mr. Wilson Gascon ng Municipal Health Office. Nagkaroon din ng synthesis, question and answer, at pagsusulit sa pangunguna ni Ms. Marlyn Rañola, bago isinagawa ang awarding of certificates na pinangunahan nina Ms. Alforja at Dr. Maria D. Cerezo, na siya ring nagbigay ng pangwakas na mensahe. Sa kabuuan, naging mahalagang hakbang ang gawaing ito ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños upang matiyak na ang mga food handlers ng bayan ay may sapat na kaalaman, disiplina, at malasakit sa paghahatid ng ligtas at dekalidad na pagkain para sa bawat Los Bañense.

#FoodHandlerOrientation

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 199 Total Views

Related:


;